Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Martes, ika-16 ng Oktubre 2018, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong nagdaang Setyembre, lumaki ng 2.5% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon, at lumaki naman ng 3.6% ang Producer Price Index (PPI).
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang Liqun, mananaliksik ng Development Research Center of the State Council ng Tsina, na nananatili ang dalawang indeks na ito sa makatwirang lebel, at ito ay positibong elemento sa kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai