Kinatagpo nitong Huwebes, Oktubre 25, ni Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina, si Samdech Say Chhum, Pangulo ng Senado ng Cambodia.
Sina Wang (kanan) at Samdech Say Chhum (kaliwa)
Nakahanda ang dalawang panig na pabilisin ang pag-uugnayan ng mga pambansang estratehiya ng dalawang bansa sa proseso ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), at palalimin ang mga pragmatikong kooperasyon sa larangan ng agrikultura, kabataan, turismo, kultura at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio