|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ng Tsina ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas, pumangalawa sa buong mundo ang kabuuang bolyum ng kabuhayan ng bansa, nanguna sa daigdig ang saklaw ng industrya ng pagyari, at nakahulagpos sa kahirapan ang 7,000 milyong mamamayan. Tinawag ng mga kanluraning iskolar ang naturang mga pag-unlad at pagbabago na "himala ng Tsina." Sa harap ng masalimuot na kapaligirang pandaidig at hamon ng pagbabago at pag-a-upgrade ng pamamaraan ng pag-unlad sa loob ng bansa, lilikhain ba o hindi ng Tsina ang bagong himala? Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa Lalawigang Guangdong, sinagot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na hindi ititigil ang hakbang ng reporma at pagbubukas ng Tsina, at tiyak na lilikhain ng bansa ang mas malaking bagong himala.
Sa Shenzhen, sinariwa ni Xi, kasama ng mga kasali sa reporma at pagbubukas ng Guangdong, ang karanasan ng pag-unlad ng Guangdong. Hinimok niyang huwag makalimutan ang inisyal na layunin ng reporma at pagbubukas, mataimtim na lagumin ang mga matagumpay na karanasan, at pataasin ang kalidad at lebel ng reporma't pagbubukas.
Ang napakabilis na pag-unlad ng Shenzhen ay isang halimbawa ng pagtungo ng Tsina sa de-kalidad na pag-unlad. Ayon sa ulat ng United Nations (UN), noong unang hati ng taong 2018, pinakamarami sa daigdig ang direktang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na tinanggap ng Tsina. Ipinakikita naman ng estadistika ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang tatlong kuwarter ng taong ito, lumaki ng 6.4% ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at pinakamabilis ang paglaki nito sapul noong 2015.
Tinukoy ng tagapag-analisa na ang mga pahayag ni Xi sa Guangdong ay nagbigay ng bagong pamantayan sa bagong round ng reporma't pagbubukas ng Tsina.
Nitong nakalipas na ilang taon, lampas sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig, at 70% naman ang contribution rate nito sa pandaigdigang usapin ng pagbabawas ng kahirapan. Kasabay ng patuloy na komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas, walang humpay na lilikhain ng mas masagana't bukas na Tsina ang mga bagong himalang pangkaunlaran.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |