Sinang-ayunan Biyernes, Oktubre 26, 2018, ng Timog Korea at Hilagang Korea na sa susunod na buwan, aalisin ng isa't isa ang 11 guard post sa Demilitarized Zone sa paligid ng hanggahan.
Ang kapasiyahang ito ay ginawa sa isang diyalogong militar sa antas ng heneral, na idinaos sa Tongilgak, isang gusali ng Hilagang Korea sa Panmunjom.
Ayon sa magkasanib na pahayag pagkatapos ng diyalogo, bago ang katapusan ng Nobyembre, ganap na aalisin ng kapuwa panig ang naturang mga guard post. Bukod dito, tatalakayin nila ang hinggil sa ibayo pang pag-uurong ng lahat ng mga natitirang guard post sa Demilitarized Zone.
Salin: Vera