Isiniwalat Setyembre 7, 2018, ni Yoon Young-chan, Senior Presidential Secretary for Public Relations ng Timog Korea na ipinahayag ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika na dumadalaw sa Timog Korea na narating ng kanyang bansa at DPRK o Hilangang Korea ang komong palagay hinggil sa pagdaraos muli ng ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa.
Sinabi ni Yoon na nang araw ring iyon, dumalaw si Pompeo sa Hilagang Korea at nakipagtagpo kay Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng nasabing bansa. Pagkatapos nito, bumisita rin siya sa Timog Korea. Sa kanyang pakikipagtapo kay Moon Jae In, Pangulo ng Timog Korea, positibong pinahalagahan ni Pompeo ang pagdalaw sa Hilagang Korea. Aniya, itatatag ng Amerika at Hilagang Korea ang grupo ng pagsasanggunian para talakayin ang proseso ng ligtas sa sandatang nuklear na Korean Peninsula at petsa ng pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at DPRK. Ipinahayag ni Moon ang pag-asang matagumpay na maidaraos ang pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Hilagang Korea.
salin:Lele