Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Susi ng pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Hapon

(GMT+08:00) 2018-10-27 19:03:45       CRI

Mula ika-25 hanggang ika-27 ng Oktubre, isinagawa ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang opisyal na pagdalaw sa Tsina. Ito ang unang opisyal na pagdalaw ng punong ministro ng Hapon nitong nakalipas na 7 taon.

Sa ilalim ng magkasamang pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at mga lider ng Hapon, bumalik sa normal na landas ang relasyon ng dalawang bansa, at ang pag-unlad ng kanilang relasyon sa susunod na hakbang ay depende sa kung paanong patataasin ng kapuwa panig ang kanilang pragmatikong kooperasyon.

Ayon sa iskedyul ng biyahe ni Abe sa Tsina, masusing masusi ang sumusunod na tatlong aspekto para sa pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Hapon sa hinaharap:

Una, palalakasin ang pundasyon ng pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig.

Ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagkalagda ng kasunduan sa kapayapaan at pagkakaibigan ng Tsina at Hapon. Ipinahayag ni Abe na kahit may 5 maikling artikulo lang ang nasabing kasunduan, nagsilbi itong starting point ng relasyong Sino-Hapones, kaya dapat tandaan ang ito sa anumang sandali. Tinukoy naman ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa porma ng batas, tiniyak ng naturang kasunduan ang pangkalahatang direksyon ng mapayapang pakikipamuhayan ng Tsina at Hapon, at pagkakaibigan sa hene-henerasyon.

Ika-2, palalawakin ang mga larangan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation ng magkabilang panig.

Ang kasalukuyang taon naman ay ika-5 anibersaryo ng pagharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng Belt and Road Initiative. Sa pagdalaw ni Premyer Li sa Hapon noong nagdaang Mayo, nagkaisa ng palagay ang panig Tsino't Hapones hinggil sa pagsasagawa ng kooperasyon sa third-party market.

Sa panahon ng kasalukuyang pagdalaw ni Abe sa Tsina, idinaos sa Beijing ang unang porum ng Tsina at Hapon sa kooperasyon sa third-party market. Ang isa sa mga pinakamahalagang bunga ng naturang porum ay pagtatatag ng China-Japan Industrial Cooperation Fund. Makikinabang dito ang mga bahay-kalakal ng industriya ng pagyari, telekomunikasyon, media, industriyang medikal at iba pa.

Bukod sa kooperasyon sa third-party market, aktibong ginagalugad ng Tsina at Hapon ang mga bagong plataporma ng kooperasyon.

At ika-3, pahihigpitin ang people-to-people exchanges.

Kumpara sa mahigpit na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Hapon, malaki ang espasyo para sa pagpapalawak ng people-to-people exchanges. Ayon sa isang pinakahuling poll sa relasyong Sino-Hapones na ginawa ng magkabilang panig, 42.2% mamamayang Tsino ang may "mabuti" o "medyo mabuti" na impresyon sa Hapon, pero 13.1% lang ang proporsyon ng mga Japanese respondents na may magandang impresyon sa Tsina.

Ang pagpapasigla ng pagsali ng mga mamamayan ay mahalagang paraan ng pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon, at dapat aktibong sumali ang iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa, lalong lalo na, mga kabataan, sa usapin ng pagkakaibigan ng Tsina at Hapon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>