Beijing, Tsina—Nakipagtagpo Biyernes, Oktubre 26, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Shinzo Abe, dumadalaw na Punong Minitro ng Hapon.
Sinabi ni Xi na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng kapuwa panig, bumalik sa normal na landas ang relasyong Sino-Hapones, at muling lumitaw ang positibong tunguhin. Aniya, dapat sundin ng magkabilang panig ang iba't ibang simulaing tiniyak ng apat na dokumentong pulitikal ng dalawang bansa, igiit ang pangkalahatang direksyon ng kapayapaan at pagkakaibigan, tuluy-tuloy na palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pasulungin ang pagtamo ng relasyong Sino-Hapones ng bagong progreso.
Ipinahayag naman ni Abe na winewelkam at kinakatigan ng panig Hapones ang ibayo pang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas, at nakahandang patuloy na aktibong makisangkot sa proseso ng pag-unlad ng Tsina. Aniya, may nakatagong lakas ang Belt and Road Initiative, at nakahanda ang panig Hapones, kasama ng panig Tsino, na palakasin ang kooperasyon sa malawakang larangan, na kinabibilangan ng magkasamang paggagalugad ng third party market.
Salin: Vera