Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga media na Hapones, positibo sa pagtutulungan sa hinaharap ng Tsina't Hapon

(GMT+08:00) 2018-10-28 19:18:01       CRI

Natapos nitong Sabado, Oktubre 27, ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang kanyang opisyal na pagdalaw sa Tsina. Sa kanyang pagdalaw, kinilala ni Abe at mga lider Tsino na bumalik na sa tumpak na landas ang relasyong Sino-Hapones. Nagkasundo silang pasulungin ang pagkakaroon ng bagong progreso ng relasyon ng dalawang bansa.

Kaugnay nito, ipinahayag ng mga pangunahing peryodiko ng Hapon ang positibong pagtaya sa pagpapahigpit ng Tsina't Hapon ng mga pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan, at pagtatatag ng pangmatagalang matatag na relasyon ng dalawang bansa.

Tinukoy ng Asahi Shimbun sa ulat nitong Sabado na sa katatapos na pagdalaw ni Abe, itinakda ng dalawang panig ang pagtutulungan sa hinaharap sa larangan ng ikatlong pamilihan, inobasyong panteknolohiya at pagtugon sa pagtanda ng populasyon. Anito, sa nasabing mga larangan, nagkakaroon ang Hapon ng sulong na teknolohiya samantalang ang Tsina ay may bentahe sa pagsasakomersyo o commercialization.

Sinipi naman ng komentaryo ngayong araw ng nasabing pahayagan ang pananalita ni Abe sa katatapos na biyahe na nagsasabing lumilikha ang dalawang bansa ng bagong panahon ng koordinasyon sa halip na kompetisyon. Anito, bilang ikalawa at ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang magkasamang paglatag ng Tsina't Hapon ng pundasyon ng pag-unlad ng Asya sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ikatlong panig ay angkop sa agos ng panahon.

Ayon sa komentaryo nitong Sabado ng Mainichi Shimbun, palalakasin ng Tsina't Hapon ang bilateral na relasyon sa pamamagitan ng pagpapasulong ng pagtutulungang pangkabuhayan, at ito ay pragmatiko at positibo.

Inilahad ng komentaryo nitong Sabado ng Yomiuri Shimbun na nagsisikap ang Tsina't Hapon para gawing bagong huwaran ng pagtutulungan ng dalawang bansa ang mga proyekto ng imprastruktura sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ikatlong bansa.

Ipinalalagay ng komentaryo nitong Sabado ng Tokyo Shimbun na sa ika-40 anibersaryo ng pagkalagda ng Tsina't Hapon sa Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan ng dalawang bansa ngayong taon, magandang pagkakataon ito para bumalik sa normal at bumuti pa ang relasyong Sino-Hapones.

Ayon naman sa komentaryo nitong Sabado ng Nikkei, bumabalik na sa tumpak na landas ang relasyong Sino-Hapones. Umaasa itong mapapanatili ng magkabilang panig ang nasabing tunguhin at mapapasulong ang matatag na pag-unlad nito.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>