|
||||||||
|
||
Ayon sa opisyal na lokal, aabot sa 11 katao ang namatay, anim na iba pa ang nasugatan sa pamamaril nitong Sabado ng umaga, local time, sa isang simbahang Hudyo sa Pittsburgh, Estado ng Pennsylvania, Estados Unidos.
Mga pulis ng Pittsburgh habang umaalis ng pinangyarihan ng pamamaril, Oktubre 27, 2018 (Photo credit: IC)
Mga FBI agent sa pinangyarihan ng pamamaril, Oktubre 27, 2018 (Photo credit: IC)
Sa preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Wendell Hissrich, Direktor ng Seguridad na Pampubliko ng Pittsburgh, na nahuli na ang suspek na si Robert Bowers, isang residenteng lokal. Walang rekord na kriminal ang 46 edad na suspek. Pero, mababasa raw sa mga social media post niya ang mga pananalitang kontra-Hudyo.
Ayon sa mga taga-usig na Pederal, sinampahan ang suspek ng 29 na sakdal nitong Sabado ng gabi, local time.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |