Lunes, Oktubre 29, 2018, nagpadala ng mensahe sa isa't isa sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, bilang pagbati sa matagumpay na paglulunsad ng ocean-observing satellite na magkasamang ginalugad ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Xi na ang kooperasyong pangkalawakan ay mahalagang nilalaman ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Pransya. Aniya, ang matagumpay na paglulunsad ng naturang satellite ay pinakahuling bunga ng kooperasyon ng kapuwa panig, at magpapatingkad ng mahalagang papel sa mga larangang gaya ng pagmomonitor sa kapaligirang pandagat ng buong daigdig, pagpigil at pagbabawas sa epekto ng likas na kapahamakan, pagharap sa pagbabago ng klima at iba pa.
Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Macron na ang paglulunsad ng nasabing satellite ay muling nagpapakita ng positibong hangarin ng Pransya at Tsina sa pagpapasulong sa magkasamang pagharap ng komunidad ng daigdig sa pagbabago ng klima. Nakahanda aniya ang panig Pranses, kasama ng panig Tsino, na patuloy na palalimin ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa larangan ng kalawakan at pagharap sa pagbabago ng klima.
Salin: Vera