Beijing, Tsina—Sa ipinadalang liham ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa taunang pulong ng Taihu World Cultural Forum na binuksan ngayong araw, Oktubre 18, 2018, tinukoy niyang ang tema ng kasalukuyang pulong na "Dialogue of Civilizations: Building a Community With a Shared Future for Humanity," ay makakatulong sa pagpapahigpit ng pag-uugnayan, pagbubuklod ng komong palagay, pagpapalalim ng kooperasyon, at pagpapasulong sa pagpapalitan ng sibilisasyong pandaigdig ng iba't ibang panig.
Ipinagdiinan ni Xi na naninindigan ang Tsina sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may paggagalangan, katwiran at katarungan, at kooperasyon at win-win situation. Nanawagan din siya sa iba't ibang bansa na magkasamang pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Salin: Vera