Suzhou, Lalawigang Jiangsu ng Tsina—Isang liham na pambati ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ngayong araw, Huwebes, Oktubre 18, 2018 ng Belt and Road Energy Ministerial Conference at International Forum on Energy Transition.
Anang liham, nitong nakalipas na 5 taon sapul nang iharap ang Belt and Road Initiative, malawakan itong kinilala at nilahukan ng komunidad ng daigdig, at masagana ang natamo nitong bunga. Nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig, na magkasamang magsikap at igiit ang prinsipyo ng pagkakaroon ng may pinagbabahaginang paglago, sa pamamagitan ng pagsasanggunian at pagtutulungan, para mapasulong ang pagiging malalim at pragmatiko ng kooperasyon ng Belt and Road, at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa, anang liham.
Binigyang-diin din ni Xi na ang kooperasyon sa enerhiya ay pangunahing larangan ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road. Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang kooperasyon sa iba't ibang bansa sa larangan ng enerhiya, sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road, para likhain ang paborableng kondisyon ng komong kaunlaran, mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng enerhiya ng buong mundo, at mapangalagaan ang seguridad ng enerhiya ng daigdig.
Salin: Vera