Ayon sa proklamasyong inilabas ng State Council Customs Tariff Commission ng Tsina, mula Nobyembre 1, 2018, pinababa ang most favored nation tariff rate ng ilang produktong may kinalaman sa 1585 item. Bukod dito, pinababa rin sa 7.8% ang karaniwang tariff rate, mula 10.5% noong nakaraan, at ang karaniwang pagbaba ay umabot sa 26%. Ang kasalukuyang pagpapababa ng taripa ng mga inaangkat na produkto ay may kinalaman sa, pangunahing na, tela, pasilidad ng makinang de motor at mga piyesa.
Ipinahayag ng mga dalubhasa na ang kasalukuyang pagpapababa ng taripa ay makakabuti sa pag-a-upgrade ng industriya sa loob ng bansa, pagbaba ng gastos ng mga bahay-kalakal, at pagtugon sa pangangailangan ng konsumo ng mga mamamayan sa iba't ibang antas. Nagpadala rin ito ng positibong signal ng pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas.
Salin: Vera