Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pandaigdig na Porum hinggil sa Pagbubukas at Pagpapahupa ng Kahirapan ng Tsina, idinaos; pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati

(GMT+08:00) 2018-11-02 14:48:39       CRI

Binuksan nitong Huwebes sa Beijing ang dalawang araw na Pandaigdig na Porum hinggil sa Reporma, Pagbubukas sa Labas at Pagpapahupa ng Kahirapan ng Tsina. Ang dalawang araw na pulong na nasa magkasamang pagtataguyod ng Tsina at World Bank ay nilalahukan ng aabot sa 400 kinatawan mula sa 51 bansa at 11 pandaigdig na organisasyon.

Isang liham na pambati ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ipinahayag ng pangulong Tsino na 40 taon na ang nakakaraan, kasabay ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas, inilunsad din ng Tsina ang pambansang kampanya ng pagpapahupa ng kahirapan. Nitong apat na dekadang nakalipas, mahigit 700 milyong mahirap na mamamayang Tsino ang nakahulagpos sa karalitaan, at ito ay masasabi milagro sa kasaysayan ng sangkatauhan, dagdag pa niya. Ipinangako rin aniya ng Tsina na sa taong 2020, mapapawi ang "absolute poverty" ng bansa.

Ipinahayag din ng pangulong Tsino ang kahandaan ng Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng iba't ibang panig ng daigdig para maisakatuparan ang mga pakay ng pagpapahupa ng kahirapan na itinakda ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development.

Si Huang Kunming, Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) habang nagbabasa ng liham na pambati ni Pangulong Xi sa seremonya ng pagbubukas ng porum

Si Achim Steiner, Administrador ng United Nations Development Program (UNDP) habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng porum

Si Jim Yong Kim, Presidente ng World Bank Group habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng porum

Salin: Jade
Pulido: Rhio
Larawan: Xinhua/Zhai Jianlan

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>