Sa panahon ng Ika-39 na Pulong ng United Nations Human Rights Council, magkasamang itinaguyod kahapon, Huwebes, ika-13 ng Setyembre 2018, sa Geneva, Switzerland ng Tsina at Timog Aprika ang pulong hinggil sa pagbabawas ng karalitaan.
Sinabi sa pulong ni Yu Jianhua, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa mga Tanggapan ng UN sa Geneva, na sa pamamagitan ng iba't ibang porma ng kooperasyon, magbibigay ang Tsina ng sapat na yaman sa pandaigdig na usapin ng pagbabawas ng karalitaan, para ibayo pang pasulungin ang usaping ito. Aniya pa, itinuturing ito ng Tsina bilang ambag para sa pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development.
Salin: Liu Kai