Nakatakdang idaos ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 10, 2018, sa Shanghai. Dadalo rito ang mga mangangalakal at panauhin mula sa humigit-kumulang 150 bansa't rehiyon. Lalahok dito ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI).
Magsasagawa ang China Radio International (CRI) ng live broadcast sa seremonya ng pagbubukas sa darating na Lunes ng umaga, sa pamamagitan ng iba't ibang wika at iba't ibang plataporma na gaya ng website, Facebook, at mga APP na tulad ng ChinaNews, ChinaRadio, at ChinaTV.
Mababasa rin ang mga may kinalamang pinakasariwang balita sa wikang Filipino sa mga website at Facebook page ng CRI Filipino Service.
Salin: Jade