Mula ika-5 hanggang ika-10 ng Oktubre, 2018, idaraos sa Shanghai ang unang China International Import Expo (CIIE). Kaugnay nito, pormal na isinaoperasyon Lunes, Oktubre 22 ang reception service center sa Terminal 2 ng Shanghai Hongqiao International Airport.
![]( /mmsource/images/2018/10/23/25c1a4e1b64445da81ee43095a68bc6e.jpg)
![]( /mmsource/images/2018/10/23/927eef7631fb4af59eb631e86bf51e15.jpg)
Ito ang unang reception service center ng CIIE. Layon nitong magkaloob ng payo at serbisyo para sa mga panauhing lalahok sa ekspo.
![]( /mmsource/images/2018/10/23/4c44a4f5190b4e68a30b8c67cf59f921.jpg)
Ayon sa salaysay, 6 pang ganitong reception service center ang itatayo sa Shanghai Hongqiao International Airport at Shanghai Pudong International Airport.
Salin: Vera