Kinatagpo nitong Biyernes sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan. Nagkasundo silang ibayo pang pahihigpitin ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Sina Pangulong Xi (kanan) at Punong Ministro Khan (kaliwa)
Nangako rin ang dalawang lider na ipagpapatuloy ang pagkakatigan ng dalawang bansa, pasusulungin ang konstruksyon ng China-Pakistan Economic Corridor (CPEC), pasisiglahin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kultura, paglaban sa terorismo, at koordinasyon sa ilalim ng United Nations at Shanghai Cooperation Organiztion. Layon nitong itatag ang komunidad ng Tsina't Pakistan na may mas mahigpit na kinabukasan, dagdag ng dalawang lider.
Si Punong Ministro Khan ay lalahok sa kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) na gaganapin mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 10, 2018, sa Shanghai.
Salin: Jade