Inilabas ngayong araw, Linggo, ika-4 ng Nobyembre 2018, ng China Central Television (CCTV), pambansang telebisyon ng Tsina, ang komentaryo bilang pagbati sa unang China International Import Expo (CIIE) na bubuksan bukas sa Shanghai.
Anang komentaryo, bilang aktibidad na tampok sa magkakasamang pagpapasulong ng kalakalan sa daigdig, magtatanghal sa unang CIIE ang mahigit 3 libong bahay-kalakal mula sa iba't ibang lugar ng daigdig, at dadalo rin dito ang mga mataas na opisyal at negosyante ng halos 150 bansa at rehiyon, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig.
Dagdag ng komentaryo, ang pagdaraos ng CIIE na iniharap ni Pangulong Xi Jinping, ay konkretong hakbangin ng ibayo pang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa labas, at aktuwal na aksyon din ng pagdudulot ng Tsina ng mas maraming pagkakataon sa daigdig sa pamamagitan ng sariling pag-unlad.
Salin: Liu Kai