Nakatakdang buksan ngayong umaga sa Shanghai ang anim na araw na kauna-unahang China International Import Expo (CIIE), kung saan lalahok ang delegasyon ng Pilipinas na pinamumunuan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI), kasama ang mahigit 3,000 bahay-kalakal mula sa mahigit 170 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig.
Inihandog kagabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng kanyang asawa na si Peng Liyuan ang bangketeng panalubong para sa mga kalahok na panauhin.
Sa kanyang talumpati sa bangkete, sinabi ni Xi na ang CIIE na idinaraos ng Tsina ay para sa buong daigdig. Ang kasalukuyang ekspo ay isa sa mga pangunahing hakbang ng pagpapalalim ng pagbubukas sa labas ng bansa, diin niya. Nagsisilbi rin ang ekspo bilang bagong plataporma ng pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakan ng daigdig, para magdulot ng mas maraming kapakinabangan para sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa, dagdag pa ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Mac