Shanghai, Tsina—Linggo, Nobyembre 4, 2018, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos.
Nagpahayag si Xi ng mainit na pagtanggap sa pagdalo ni Thongloun sa unang China International Import Expo (CIIE). Tinukoy niyang nasa pinakamagandang panahon ngayon ang relasyong Sino-Lao. Sa harap ng bagong kalagayan at bagong hamon, dapat aniyang pahigpitin ng dalawang bansa ang estratehikong pag-uugnayan, at pasulungin ang pag-a-upgrade ng kanilang pragmatikong kooperasyon.
Ikinasisiya ni Thongloun ang paglahok sa unang CIIE. Aniya, aktuwal na nakinabang sa kooperasyon ng Belt and Road ang panig Lao. Nakahanda aniya ang Laos, kasama ng Tsina, na palakasin ang koordinasyon, at palalimin ang pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan.
Salin: Vera