Xi'an, Lalawigang Shaanxi ng Tsina—Binuksan Lunes, Nobyembre 5, 2018 ang ika-13 pulong ng International Committee on Global Navigation Satellite Systems (ICG-13) ng United Nations (UN). Nagpadala ng liham na pambati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng United Nations Conference on the Exploration and Peaceful Uses of Outer Space (UNISPACE+50). Dapat palakasin aniya ng iba't ibang bansa ang pandaigdigang kooperasyon at koordinasyon sa larangan ng navigation satellite, at pasulungin ang pagpapatingkad ng navigation satellite ng mas malaking papel para sa kabiyayaan ng sangkatauhan.
Ipinagdiinan ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang konstruksyon at pag-unlad ng navigation satellite system, at aktibong isinasagawa ang kooperasyong pandaigidg. Sa katapusan ng taong ito, isasaoperasyon ng Beidou Navigation Satellite System ang serbisyo sa mga bansa't rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road, at sasaklaw sa buong mundo ang serbisyo nito sa taong 2020. Nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na ibahagi ang bunga ng pag-unlad ng nasabing sistema, at pasulungin ang masiglang pag-unlad ng usapin ng navigation satellite ng buong mundo, dagdag ni Xi.
Salin: Vera