Sa panahon ng idinaraos na unang China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, isinalaysay kahapon, Lunes, ika-5 ng Nobyembre 2018, ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na inilakip na sa International Trade Single Window System ng Malaysia ang China-ASEAN Free Trade Agreement Preferential Tariff System.
Ayon kay Wang, ang sistemang ito ay ginawa ng panig Tsino sa ilalim ng Asia-Pacific Model E-Port Network. Maglilingkod ito aniya sa mga kompanya ng kalakalang panlabas ng Tsina at Malaysia, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng information service and solution hinggil sa mga taripang preperensyal sa ilalim ng China-ASEAN Free Trade Agreement.
Nananalig si Wang, na ang pagsasaoperasyon ng naturang sistema ay makakatulong sa paglaki ng kalakalan ng Tsina at Malaysia. Umaasa aniya siyang gagamitin din ang sistemang ito sa mga iba pang bansa ng ASEAN.
Salin: Liu Kai