Kinatagpo Nobyembre 6, 2018 sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga namamahalang tauhan ng anim na organisasyong pinansyal ng daigdig na kinabibilangan nina Kim Jim-Yong, Presidente ng World Bank, Christine Lagarde, Managing Director ng IMF, Roberto Azevedo, Direktor Heneral ng WTO, Angel Gurria, Pangkalahatang Kalihim ng OECD, Mark Carney, Presidente ng Financial Stability Board, at Deborah Greenfield, Pangalawang Direktor Heneral ng ILO.
Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa mga isyung may kinalaman sa kalagayang pangkabuhayan ng daigdig, pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at kabuhayan, reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Binigyang-diin ni Premyer Li na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng ibat-ibang panig para pasulungin ang multilateralismo, pangalagaan ang malayang kalakalan, at palalimin ang globalisasyon ng mundo. Aniya, nananatiling mainam ang kabuhayan ng Tsina, at patuloy na isasagawa ng Tsina ang hakbang para pasulungin ang katatagan at mataas na kalidad ng kabuhayan ng bansa.
Ipinahayag naman ng nasabing mga namamahalang tauhan na nitong 40 taong nakalipas, malaking tagumpay ang natamo ng Tsina sa larangang pangkabuhayan, at ito ay gumaganap ng mahalagang papel sa kaunlarang pangkabuhayan ng daigdig. Anila, nananatili pa ring masigla ang kabuhayan ng Tsina. Dagdag pa nila, nakahandang pahigpitin ng mga internasyonal na organisasyong pinansyal ang pakikipagtulungan sa Tsina para magkasamang harapin ang ibat-ibang hamon.