|
||||||||
|
||
Kinatagpo nitong Lunes, Nobyembre 5, sa Shanghai ni Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, at Goodwill Ambassador ng World Health Organization para sa tuberculosis at HIV/AIDS, si Bill Gates, co-chair ng Bill & Melinda Gates Foundation.
Ipinahayag ni Peng na sa matagalang panahon, nagsasagawa ang Bill & Melinda Gates Foundation ng epektibo at mabungang kooperasyon sa mga may kinalamang departamento ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa HIV/AIDS, pagbabawas ng kahirapan sa larangang pangkalusugan, at capacity building sa pandaigdig na pampublikong kalusugan.
"Sinusuportahan namin ang foundation sa patuloy na pagpapasulong ng bilateral at trilateral na kooperasyon sa panig Tsino, sa mga larangan na gaya ng pagpapasulong ng kakayahan ng Tsina sa paghuhubog ng mga propesyonal na pangkalusugan ng bansa at ng daigdig," saad ni Peng.
Sinabi naman ni Gates na nakakasigla ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) nang araw ring iyon. "Karapat-dapat sa Tsina ang papuri dahil sa pagsunod sa prinsipyo ng pagbubukas, pagiging inklusibo, mutuwal na kapakinabangan at win-win result," sabi ni Gates.
Ipinahayag din ng bilyonaryong pilantropo ang kahandaan ng kanyang foundation na ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa Tsina sa nasabing mga larangang nabanggit.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |