Dumadalaw sa Thailand si Zhang Chunxian, Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), mula ika-4 hanggang ika-8 ng buwang ito. Nakipag-usap siya kina Pornpech Wichitcholchai, Chairman ng Parliamento ng Thailand at Pangalawang Punong Ministro Wissanu Kreangam ng bansa.
Ipinahayag ni Zhang ang pag-asang ibayo pang mapapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga organong lehislatibo ng Tsina at Thailand, at mapapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman nina Pornpech Wichitcholcha at Wissanu Kreangam na nananatiling mainam ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Thailand. Positibo anila sila sa "Belt and Road Initiative" at tagumpay na natamo ng kauna-unahang China International Import Expo (CIIE). Umaasa rin silang ibayong hihigpit ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.