Ipinahayag kamakailan ni Bill Gates, Tagapangulo ng Bill & Melinda Gates Foundation (BMGF) na mabilis na umuunlad ang Tsina sa iba't ibang larangan at lumilitaw ang maraming inobasyon. Aniya, kung sasabihin anong ekonomiya ang pinakamaunlad sa digitization, ito ay tiyak na Tsina.
Sa tingin ni Gates, ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE) ay nagpapalabas ng maliwanag na mensahe na aktibong pinabubuti ng Tsina ang kapaligiran ng pamilihan, at ito ay makakabuti sa mga dayuhang bahay-kalakal na mas direkta at maginhawang lumahok sa kompetisyon sa Tsina.
salin:Lele