|
||||||||
|
||
Ang kauna-unahang CIIE ay nagpapahiwatig ng determinasyon ng Tsina hinggil sa ibayo pang pagbubukas sa labas at pagpapataas ng pag-aangkat. Masasabing ang pagpili ng mga kilalang kompanya at inistituto ng research at development (R&D) na pinasinayaan ang kanilang mga hay-tek na produkto sa Tsina ay hindi lamang dahil sa malaking pamilihan ng bansa, kundi bilang pagkilala sa isinasagawang pagsisikap at mga natamong bunga ng pamahalaang Tsino para protektahan ang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip.
Noong 2017, sa kauna-unahang pagkakataon, naitala ang Tsina sa "Top 20 Global Innovation Index" ng World Intellectual Property Organization. Sa kanyang paglahok sa Hongqiao International Economic and Trade Forum, isa sa mga pangunahing aktibidad ng CIIE, sinabi ni Bill Gates, Co-chair ng Bill & Melinda Gates Foundation, na ang mga inobasyon ng Tsina ay naglilingkod, hindi lamang sa sarili kundi sa buong daigdig.
Samantala, sumapi na ang Tsina sa halos lahat ng mga pandaigdig na kombensyong may kinalaman sa IPR; 16 taong singkad na nangunguna ang bansa sa daigdig pagdating sa bilang ng ini-apply na tatak; 7 taong singkad na nangunguna sa daigdig pagdating sa bilang ng mga ini-apply na patente. Nitong ilang taong nakalipas, naitatag din ng Tsina ang hukuman ng IPR para mapalakas ang pangangalaga sa IPR sa pamamagitan ng sistemang pambatas.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng CIIE, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na upang makalikha ng primera klaseng kapaligirang pangnegosyo, buong higpit na paparusahan ng bansa ang mga lumalapastangan sa legal na interes at karapatan, lalo na sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang isip (IPR) ng mga bahay-kalakal na dayuhan.
Para rito, paiiralin ng Tsina ang mga mekanismo ng pagpaparusa at pagbibigay ng kabayaran, pabibilisin ang pagbalangkas ng batas hinggil sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na dayuhan, isasagawa ang Special Management Measures (Negative List) for the Access of Foreign Investment 2018, at pasusulungin ang kalidad at episyensya sa pagsusuri sa IPR, dagdag pa ni Xi.
Kauna-unahang MRI na pansanggol, nakatanghal sa kasalukuyang CIIE
Fully automated immunoassay analyzer, nakatanghal sa kasalukuyang CIIE
Gabay na robot, nakatanghal sa kasalukuyang CIIE
Virtual cicerone, nakatanghal sa kasalukuyang CIIE
VR Smart vehicles, nakatanghal sa kasalukuyang CIIE
Robot na ping pang trainer, nakatanghal sa kasalukuyang CIIE
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Larawan: CRI/Sheng Yuhong
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |