Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sec. Carlos Dominguez III: Dapat maging mainam na kapitbansa ang Pilipinas at Tsina

(GMT+08:00) 2018-11-14 14:57:36       CRI
Manila—Kapwa iginigiit ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas at Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang patakarang dapat maging mainam na magkapitbansa ang Pilipinas at Tsina. Ito ang ipinahayag ni Secretary Carlos Dominguez III ng Department of Finance ng Pilipinas nang kapanayamin ng China Radio International (CRI).

"There is a Chinese saying that better to have a good friend as a neighbor than a relative who is far away," aniya pa.

Mula ika-15 hanggang ika-21 ng Nobyembre, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw pang-estado sa Papua New Guinea, Brunei at Pilipinas. Ito ang kauna-unahang dalaw pang-estado ni Xi sa Pilipinas.

Sinabi ni Dominguez III na ang katuturan ng pagdalaw ni Xi ay pagpapalalim at pagpapahigpit ng relasyong Sino-Filipino. Dagdag pa niya, sa pananatili ni Pangulo ni Xi sa Pilipinas, lalagdaan ng dalawang bansa ang mga kasunduan sa larangan ng pananalapi. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Sinabi ni Dominguez III na ang direktang transaksyon ng Philippine Pesos at Chinese Renminbi, sa halip na pagpapalitan ng Peso at Renminbi sa pamamagitan ng US Dollars, ay makakabuti sa bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. "This should save around 3% of cost now," saad pa niya.

Nilagdaan noong ika-30 ng Oktubre, 2018 sa Makati ng Bank of China Manila Branch (BoC Manila) at 13 commercial bank ng Pilipinas na gaya ng BDO, BPI at iba pa, ang Memorandum of Agreement (MoA) hinggil sa pagtatatag ng Philippine Renminbi (RMB) Trading Community.

Sa ilalim ng patnubay at superbisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang nasabing komunidad ay magbibigay-serbisyo sa direktang pagpapalitan ng Chinese Renminbi o RMB at Philippine Pesos o PHP, sa pamamagitan ng pagbuo at pamamahala sa isang RMB/PHP market. Tinayang sisimulan ang pagtakbo ng nasabing market sa huling dako ng Nobyembre.

Sinabi rin ni Kalihim Dominguez III na binabalak niyang ilunsad ang ikalawang round ng Panda bond, Chinese renminbi-denominated bond mula sa non-Chinese issuer. Aniya pa, dodoblehin ang bolyum nito kumpara sa bolyum ng unang round.

Nitong nagdaang Marso, inilunsad ng Pilipinas ang unang round ng Panda bond na nagkakahalaga ng 1.46 bilyong RMB o halos 230 milyong US Dollars. Ang kabuuang bolyum ng subscription ay lumaki ng 6 na beses kumpara sa itinakdang bolyum.

"We want to make sure the Philippines' credits is known and appreciated in China," Ani Sec Dominguez III.

Bago sumapi sa Duterte Administration, nanungkulan minsan si Dominguez III bilang Secretary of Environment and Natural Resources at Secretary of Agriculture sa Cabinet ni dating Pangulong Corazon Aquino. Siya rin ay nagtrabaho sa mga malalaking Philippine companies na gaya ng BPI, Philippine Airlines at iba pa.

Ipinalalagay niyang ag kasalukuyang pinakamahalagang elemento para sa pag-unlad ng Pilipinas ay pagpapabuti ng imprastruktura. "The projects that China are financing for the Philippines will certainly contribute to reducing poverty and make life more comfortable for Filipinos" aniya pa.

Inilahad ni Dominguez III na tutulong ang Tsina sa pagtatayo ng isang dam sa Northern Luzon para palakihin ang bolyum ng ani ng bigas sa lokalidad. Aniya pa, itatayo din sa tulong ng Tsina ang Kaliwa Dam para ipagkaloob ang mas maraming potable water para sa Metro Manila.

Bukod dito, sinabi niyang mataas ang gastusin sa paghahatid ng mga produkto sa Pilipinas at kailangan din ang mas magandang paliparan, puwerto, lansangan at daambakal. Dagdag pa niya, dapat magtulungan ang Pilipinas at Tsina sa larangang ito.

Noong taong 1988, sumama si Dominguez III sa delegayong Pilipino na pinamunuan ni dating Pangulong Corazon Aquino para dumalaw sa Tsina. Kinatagpo siya ni Chinese leader Deng Xiaoping. At ang pagpapabuti ng Pamahalaang Tsino sa pamumuhay ng mga magsasaka ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kaniya.

Pagtatagpo nina Deng Xiaoping (kaliwa) at Secretary Carlos Dominguez III (kanan) noong 1988 (photo courtesy: Sec. Dominguez III)

"I think that is how we should move forward, first make sure the rural people are uplifted, and that their incomes, their life are better."

Ulat/larawan: Ernest Wang
Pulido: Mac/Jade
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>