|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang na ang pagtatayo ng konsulada sa Davao ay di-maiiwasang pagpili dahil sa walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, at ito ay aktuwal na pangangailangan ng komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang Tsina at Pilipinas ay magkaibigang kapitbansang may mahabang kasaysayan, at natamo rin ang komprehensibong pagpapabuti sa relasyon ng dalawang bansa sapul nang manungkulan si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng Pilipinas. Mabilis na umuunlad ang pagpapalitan at kooperasyon ng iba't ibang lugar ng dalawang bansa, at ang Davao ay modelo sa mga ito, dagdag niya.
Sinabi ni Wang na dapat nating patingkarin ang diwa ng "Bayanihan," at magkasamang pasulungin ang walang tigil na pagpapalalim ng relasyong pangkooperasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Kalihim Teodoro Locsin Jr. ang pagbati sa pagbubukas ng konsulada ng Tsina sa Davao. Aniya, mabilis ang progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan sapul nang bumalik sa tamang landas ang relasyon ng dalawang bansa. Ang Pilipinas at Tsina ay matagal nang magkaibigan, dagdag niya; at nitong ilang dekadang nakalipas, natamo ng Tsina ang malaking bunga ng pag-unlad. Umaasa aniyang Pilipinas na mapapahigpit pa ang kooperasyon sa Tsina. Ang hinaharap ng dalawang panig ay tiyak na patuloy pang gaganda, ani Locsin.
Samantala, sa ngalan ni Sara Duterte-Carpio, Mayor ng Davao, nagtalumpati si Bise Mayor Bernard Al-ag, at sinabi niyang ang pagtatayo ng nasabing konsulada ay isang milestone sa relasyon ng Pilipinas at Tsina. Ito ay tiyak na lilikha ng mas maraming pagkakataon ng kooperasyon at pagpapalitan para sa komong kasaganaan, diin niya.
Reporter: Ernest/Sissi
Salin:Lele
Larawan:Sissi
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |