Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PCOO: Pasusulungin ang kooperasyon ng media ng Pilipinas at Tsina

(GMT+08:00) 2018-11-14 11:39:58       CRI

Manila—Nang kapanayamin ng China Radio International (CRI), sinabi ni Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na umaasa siyang maipapadala ang mas maraming media person ng Pilipinas papunta sa Tsina para makita ang kagandahan ng Tsina at malaman kung papaanong pinapatakbo ang Chinese Media.

Bago ang dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas, sinabi ni Andanar na magaganap ito sa pinakamainam na pagkakataon.

Pinasalamatan ni Andanar ang pagtulong ng panig Tsino sa mga government media ng Pilipinas. Sinabi niyang bukod sa mga kinatawan ng government media, naipadala rin sa Tsina ng PCOO ang mga kinatawan ng pribadong media ng Pilipinas para lumahok sa mga programa at scholarship na ipinagkaloob ng Tsina.

"China is very much ahead of the competition in terms of the technology, in terms of the technique, and we can learn things." Aniya pa.

Bilang secretary ng PCOO, buong sikap na pinapasulong ni Andanar ang kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa media. Sinabi niyang lalagdaan sa Nobyembre ng PCOO at State Administration of Radio and Television ng Tsina ang isang agreement para palalimin ang kanilang kooperasyon sa radyo at telebisyon.

Hinangaan din niya ang mga kooperasyon sa pagitan ng mga media organization ng Pilipinas at Tsina, gaya ng Radyo Pilipinas at CRI. Sinabi niyang mahalaga ang kooperasyon ng mga media ng Pilipinas at Tsina, dahil magiging mas mabunga ang mga pagpapalitan ng dalawang bansa sa people to people exchange, kultura at edukasyon, sa pamamagitan ng pagtulong ng media.

Mula ika-15 hanggang ika-21 ng Nobyembre, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw pang-estado sa Papua New Guinea, Brunei, at Pilipinas. Ito ang kauna-unahang dalaw pang-estado ni Xi sa Pilipinas. At ito rin ang kanyang ikalawang beses na pagdalaw sa Pilipinas sapul noong 2015 APEC sa Manila.

Sinabi ni Andanar na sapul nang manungkulan si Rodrigo Roa Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas noong Hunyo ng taong 2016, naging normal at mabuti ang bilateral na relasyong Sino-Pilipino.

Sinabi rin niyang dahil dito, dumami ang mga tursita at pamumuhunan ng Tsina sa Pilipinas, kasabay nito, lumaki ang bolyum ng mga produktong Pilipino na iniluluwas sa Tsina na gaya ng mga pagkain, prutas at kulay.

Naniniwala aniya siyang mayroong maraming bentahe, at natamong bunga ang Pilipinas at Tsina. Sinabi niyang dapat itabi muna ng dalawang bansa ang mga hidwaan para mahanap ang mga bagay na may mutuwal na kapakinabangan para sa kanila.

Ipinahayag niyang ang mainam na relasyong Sino-Pilipino ay nakakabuti sa mga overseas Filipino sa Tsina. Hinimok niya ang mga Filipino na hanapin ang trabaho sa Tsina dahil "Horizons may broaden beyond the shores of the Republic of Philippines."

Sa kasalukuyan, ang PCOO ay nasa proseso ng pagpapalit sa Office of Press Secretary. Sinabi ni Andanar na ikinagagalak niya ang mga gawain ng PCOO nitong dalawang taong nakalipas. "The only thing I regret is I have less time with my family, but they understand." Aniya pa.

Ulat: Ernest
Larawan: Sissi 
Pulido: Mac/Jade
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>