|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling ulat sa aabot sa 50 bansa na inilabas nitong Lunes, Nobyembre 12, ng Economist Intelligence Unit (EIU), research arm ng Economist Group na nakabase sa Britanya, ang Tsina ang pinaka-optimistikong bansa sa daigdig, kung saan 91.4% ng mga respondent na Tsino ang naniniwalang bubuti pa ang kanilang bansa sa susunod na dekada.
Ang ulat na pinamagatang "Priorities of Progress: Understanding Citizens' Voices," ay naglalayong suriin ang tingin ng mga mamamayan hinggil sa progreso ng kani-kanilang bansa.
Ayon din sa ulat, bukod sa Tsina, mahigit 70% ng mga respondent na taga-Indonesia at taga-Vietnam ay naniniwalang sumusulong ang kani-kanilang bansa tungo sa mas mabuting lipunan. Samantala, 38% lang ang numero sa Estados Unidos, at 12% sa Alemanya at Italya.
Isa pang tampok ng ulat ay ang ibayo pang paggamit ng mga umuunlad na bansa sa siyensiya't teknolohiya para sa mas magandang kinabukasan. Halimbawa, kapuwa ang Tsina at India ay may malakas na "ecosystem" na pansiyensiya't panteknolohiya sa larangan ng Artificial Intelligence (AI) at digital. Samantala, ang masisiglang inobasyon ang ginagamit sa imprastruktura ng mga bansang Aprikano.
Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas. Sa okasyong ito, nangako ang pamahalaang Tsino na ibayo pang palalimin ang reporma't pagbubukas ng bansa. Masasabing ang ipinakitang optimismo ng mga mamamayang Tsino sa nasabing ulat ay dahil sa kapakinabangan at kasiyahan na dulot ng patuloy na reporma't pagbubukas ng bansa.
Mula 1978 hanggang 2017, umabot sa 9.5% ang karaniwang taunang paglaki ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina. Kasabay nito, dahil sa pagbuti ng estrukturang pangkabuhayan, ang added value ng serbisyo ay katumbas ng mahigit 50% ng GDP, mula sa 25%.
Nitong 40 taong nakalipas, tumaas ng 22.8 beses ang karaniwang taunang per capita disposable income ng mga Tsino. Kasabay nito, walang humpay na bumubuti ang edukasyon, serbisyong medikal, transportasyon, pabahay at iba pa.
Sa pagsubok at malaking presyong dulot ng lumang paraan ng pag-unlad, pinaiiral ng Tsina ang mga bagong patakarang pangkaunlaran na nagtatampok sa pagiging inobatibo, berde, koordinado, bukas at sustenable.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |