Martes, Mayo 1, 2018, inilabas ng New Zealand China Council ang ulat ng pananaliksik sa "Belt and Road" Initiative.
Batay sa mga bentahe at katangian ng New Zealand, at mga pangunahing elemento ng inisyatibang ito, iniharap ng nasabing ulat ang 4 na konektibidad kung saan makikinabang ang New Zealand, at ang mga ito ay ang mga sumusunod: pagsasakatuparan ng pagbuti ng kalakalan sa tatlong aspektong kinabibilangan ng kaligtasang biolohikal, pasilitasyon ng customs clearance, at alokasyon ng supply chain; people-to-people bond batay sa industriya ng inobasyong kultural, bilang gateway ng pagpapalitan ng tauhan at paninda sa pagitan ng Tsina at South America; at konektibidad sa Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, sa aspekto ng inobasyon at paggamit ng pananaliksik na pansiyensiya.
Sa preface ng nasabing ulat, sinabi ni Sir Don McKinnon, Tagapangulo ng New Zealand China Council, na ang pangunahin layon ng pagpapalabas ng ulat na ito ay para tingnan ang naturang inisyatiba sa anggulo ng New Zealand, at gumawa ng ambag para sa pagsasagawa ng iba't ibang mungkahi at proyekto, sa ilalim ng balangkas ng memorandum hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa "Belt and Road" Initiative na nilagdaan ng mga pamahalaan ng Tsina at New Zealand.
Salin: Vera