Manila, Nobyembre 13, 2017—Nagtagpo sina Li Keqiang, Premiyer ng Tsina at Jacinda Ardern, Punong Ministro ng New Zealand.
Ipinahayag ni Li na nakahandang matatag na pasulungin ng kanyang bansa ang talastasan ng upgrade ng China-New Zealand Free Trade Agreement (FTA) para maisakatuparan ang komong kapakinabangan at win-win situation sa mataas na antas.
Sinabi ni Ardern na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina. Nakahanda rin itong ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang panig.
Salin:Lele