Beijing—Ipinahayag Disyembre 7, 2017, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinapupurihan ng bansa ang positibong pahayag ni Winston Peters, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng New Zealand hinggil sa relasyon ng kanyang bansa at Tsina. Ani Geng, nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng New Zealand, para mapalakas ang diyalogo, pagpapalitan, kooperasyon sa iba't ibang larangan, at mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa. Ito ay para sa pagtatamo ng mas malaking progreso sa mataas na lebel, dagdag niya.
Ayon sa ulat, noong ika-5 ng Disyembre, 2017, bumigkas ng talumpati si Peters, sa Wellington, New Zealand at pinapurihan aniya ang bunga ng relasyon ng dalawang bansa nitong 45 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng New Zealand at Tsina. Aniya pa, nakahanda siyang ibayo pang pasulungin ang relasyong ito.
salin:Lele