Dumating ng Port Moresby, ngayong gabi, Nobyembre 15, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Papua New Guinea (PNG), Brunei at Pilipinas at dumalo sa Ika-26 na Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Kaugnay ng gagawing pagdalaw sa Pilipinas ng pangulong Tsino, sa news briefing nitong Martes, 2018, isinalaysay ni Kong Xuanyou, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina na isasagawa ni Pangulong Xi ang kanyang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas, Nobyembre 20-21. Ito rin ang unang pagdalaw sa Pilipinas ng puno ng estado ng Tsina nitong 13 taong nakalipas. Ani Kong, ang Pilipinas ay mapagkaibigang kapitbansa at mahalagang partner ng Tsina. Sa kasalukuyan, walang tigil na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal at komprehensibong nanumbalik ang kooperasyon sa iba't ibang larangan ng Tsina't Pilipinas, saad ni Kong.
Dagdag pa niya, kapit-bisig ang dalawang bansa para malutas ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng talastasan. Bukod dito, kumakatig din ang Tsina't Pilipinas sa isa't isa sa rehiyonal at multilateral na antas.
Salin: Li Feng/Jade