|
||||||||
|
||
Singapore—Huwebes ng umaga, Nobyembre 15, 2018, dumalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pulong ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3). Nangulo sa pulong si Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, at kalahok dito ang mga lider ng sampung bansang ASEAN, at sina Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Sa kanyang talumpati sa pulong, ipinahayag ni Li na sa proseso ng pagharap sa krisis na pinansyal ng Asya, maging ng daigdig, nagpatingkad ang mga bansa ng 10+3 ng masusing papel. Aniya, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng pag-usbong ng proteksyonismong pangkalakalan, dapat patuloy at buong tatag na pangalagaan ng mga bansa ng 10+3 ang multilateralismo at malayang kalakalan.
Kaugnay ng kooperasyon ng 10+3 sa susunod na yugto, iniharap ni Premyer Li ang limang mungkahi:
Una, pasusulungin ang konstruksyon ng integrasyon ng kabuhayan ng Silangang Asya. Sinang-ayunan ng iba't ibang panig na tatapusin ang talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon, at pasusulungin ng Tsina, Hapon at Timog Korea ang talastasan sa Free Trade Area (FTA) ng tatlong bansa, batay sa mas aktibong pakikitungo.
Ika-2, palalakasin ang seguridad na pinansyal.
Ika-3, lilikhain ang kooperasyon sa inobasyon. Iminungkahi ng panig Tsino ang pagtataguyod ng porum ng mga kabataang siyentipiko ng 10+3 sa susunod na taon, at inanyayahan ang iba't ibang panig na sumali sa alyansa ng serbisyo ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal ng 10+3 na itinatag noong Agosto ng kasalukuyang taon.
Ika-4, pasulungin ang inklusibong pag-unlad. Dapat aktibong pasulungin ang kooperasyon ng ika-3 panig, at bigyang-priyoridad ang pagsasagawa ng kooperasyon sa mga bansang ASEAN, ayon sa paraan ng "Tsina, Hapon, Timog Korea + X."
At ika-5, pahihigpitin ang people to people exchange.
Nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba't ibang panig, na samantalahin ang pagkakataon, palalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng kabuhayan ng Silangang Asya, at magkakasamang likhain ang magandang kinabukasan ng rehiyon, diin ni Li.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |