Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino: Mararating ang kasunduan ng RCEP sa 2019

(GMT+08:00) 2018-11-14 20:22:03       CRI

Idinaos ngayong hapon sa Singapore ang Ikalawang Pulong ng mga Lider ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, lumahok sa pulong si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Timog Korea, Hapon, Australia, New Zealand at India.

Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Premyer Li na nitong isang taong nakalipas sapul nang idaos ang unang katulad na pulong sa Maynila noong 2017, halos 80% ng talastasan hinggil sa RCEP ang natapos sa taong ito, kumpara sa 50% noong tinalikdang taon. Nanawagan si Li na patuloy na magsisikap ang iba't ibang panig para marating ang kasunduan ng RCEP sa 2019, at magdudulot ito ng benepisyo sa mga mamamayan ng rehiyon sa lalong madaling panahon.

Tinanggap ang panawagan ni Premyer Li ng ibang mga kalahok na lider. Nagkasundo silang pumasok na sa huling yugto ang talasatasan, at kailangan nilang ipakita ang pleksibilidad, pagiging inklusibo para marating ang komprehensibo, balanse, at de-kalidad na kasunduan sa 2019.

Nagkaisa rin ang mga kalahok na lider na patuloy na pasusulungin ang integrasyong pangkabuhayan, at ang kaayusang pandaigdig at malayang kalakalan, batay sa alitununan. Kaugnay nito, kinilala nila ang katuturan ng maagang paglalagda ng kasunduan sa RCEP sa pagsuporta ng multilateralismo at malayang kalakalan at pagpapasulong ng kabuhayang panrehiyon at globalisasyong pangkabuhayan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>