Kinatagpo ngayong araw, Biyernes, ika-16 ng Nobyembre 2018, sa Port Moresby, si dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ni Bob Dadae, Governor-General ng Papua New Guinea.
Sinabi ni Xi, na ito ang kanyang kauna-unahang pagdalaw at kauna-unahan ding pagdalaw ng pangulong Tsino sa Papua New Guinea. Pinasalamatan niya ang pamahalaan at mga mamamayan ng Papua New Guinea, para sa mainit na pagtanggap sa kanya. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, mapapataas ang lebel ng relasyon ng dalawang bansa, mapapalawak ang pagpapalagayan sa iba't ibang aspekto, mapapasulong ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at matatamo ang masasaganang bunga sa bilateral na kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Dadae ang mainit na pagtanggap kay Xi, at sinabi niyang ang pagdalaw na ito ay isang malaking pangyayari at muhon sa relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag niya ang pasasalamat sa Tsina para sa malaking tulong nito sa pag-unlad ng Papua New Guinea at mga usaping may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan nito. Nakahanda rin aniya ang kanyang bansa, na magsikap kasama ng Tsina, para pasulungin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai