Nakatakdang dumalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Papua New Guinea at dadalo siya sa Ika-26 Summit ng APEC.
Hinggil dito, kinapanayam kamakailan ng Chinese media si Peter O'Neill, Punong Ministro ng nasabing bansa.
Ipinahayag ni O'Neill na kung walang suporta ng Tsina, hindi posibleng mabilisang umunlad ang kanyang bansa. Nananabik aniya siya sa pagbisita ng Pangulong Tsino.
Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa larangan ng paghahanapbuhay, edukasyon, imprastruktura, agrikultura, pagpigil sa sakit, at iba pa. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na ibayong pahigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina.