Ipininid Huwebes, Nobyembre 15, 2018 sa Singapore ang Ika-33 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at isang serye ng mga pulong ng mga lider ng kooperasyon ng Silangang Asya. Ang multilateralismo at win-win situation ay nagsilbing pangunahing paksa ng nasabing mga pulong.
Sa seremonya ng pagpipinid, sinabi ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na noong isang taon, malaki ang hakbang ng ASEAN sa aspekto ng pagkakaisa at inobasyon. Aniya, tuluy-tuloy na itatatag at palalakasin ng iba't ibang kasaping bansa ang ASEAN Community, pagsasama-samahin ang mga talento at yaman, patataasin ang lebel ng mga pamumuhay ng mga mamamayan, at pananatilihin ang pagbubukas at pagbibigayan ng ASEAN.
Maraming dokumentong pangkooperasyon sa pagitan ng mga bansang ASEAN, at ASEAN at mga partner ang pinagtibay sa panahon ng pulong. Nilagdaan din ng sampung bansang ASEAN ang kasunduan sa e-commerce, at sinimulan ang balangkas ng ASEAN smart city network, para pasulungin ang malalimang kooperasyon ng ASEAN.
Salin: Vera