Bilang tagapangulong bansa ng ASEAN sa taong 2018, ipinalabas Nobyembre 14, 2018 ng Singapore ang pahayag na idinaos nang araw ring iyon ang summit ng ASEAN at Rusya. Anito, sinang-ayunan ng ASEAN at Rusya ang pag-upgrade ng kanilang diyalogong partnership sa estratehikong partnership.
Ipinahayag ng nasabing pahayag na susuportahan ng ASEAN at Rusya ang multilateral na sistemang pangkalakalan, batay sa bukas at inklusibong regulasyon para maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan. Magsisikap anito ang dalawang panig para tupdin ang pagtutulungan sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan. Anito pa, pahihigpitin ng dalawang panig ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan na gaya ng tradisyonal at di-tradisyonal na seguridad, enerhiya, inobasyon ng teknolohiya, kapaligiran, at iba pa.