|
||||||||
|
||
Inalay ngayong hapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang wreath sa Rizal Park, bilang pasimula ng kanyang opisyal na dalaw na pang-estado sa bansa.
Pagkatapos, binigyan si Pangulong Xi ng opisyal na seremonyang panalubong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas, sa Kalayaan Grounds sa Malacañang.
Ito ang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas ni Xi, at ito rin ang unang pagdalaw sa Pilipinas ng puno ng estado ng Tsina nitong 13 taong nakalipas.
Sa kanyang pananatili sa Pilipinas, makikipag-usap si Pangulong Xi kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at matataas na opisyal ng Pilipinas.
Sa kanilang pagtatagpo, magkasamang itatakda ng mga lider na Tsino't Pilipino ang mga bagong estratehiya at plano para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino, komprehensibong patataasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at tatalakayin ang hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Nakatakdang ilabas din ng Tsina't Pilipinas ang magkasanib na pahayag.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |