|
||||||||
|
||
Manila—Ang unang dalaw pang-estado ng Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pilipinas ay sapat na pagpapatunay sa magkaibigan ang Pilipinas at Tsina. Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas nang kapanayamin ng mga Chinese media.
Sapul noong 2016, napanumbalik at napabuti ang bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas, at nilagdaan ng dalawang bansa ang mga kasunduan ng kooperasyon. Sinabi ni Pangulong Duterte na nakinabang ang kanyang bansa sa mga kooperasyon sa Tsina, na gaya ng negosyo, turismo, industiya, imprastruktura at pagpigil sa kalamidad.
Binigyang-diin niyang taos-pusong nagbibigay-tulong ang Tsina sa Pilipinas at hinding hindi humingi ng karagdagang kahilingan sa pamahalaan ng Pilipinas. Kaya naniniwala aniya siyang pasusulungin ng pagdalaw ni Pangulong Xi ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa isang bagong antas. Dagdag pa niya, ito ay parang "full blossom of the flower."
Ayon sa pahayag, tatalakayin nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi ang mga isyu hinggil sa bilateral na relasyon at kooperasyon.
Binigyang-diin ni Pangulong Duterte na patuloy na igigiit ng kanyang bansa ang patakarang pangkapayapaan sa Tsina. Sinabi niyang tatalakayin nang malalim ng lider ng dalawang bansa ang isyu ng South China Sea. Aniya pa, puno siya ng kompiyansa sa pagtatakda ng Code of Conduct in the South China Sea sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa hinaharap. Samantala, umaasa rin siyang mapapanatili ang kapayapaan at katatagan sa SCS.
Ipinahayag ni Pangulong Duterte na malaki ang potensiyal ng dalawang bansa. Sinabi niyang mayroong malaking pamumuhunan ang Tsina sa Pilipinas, samantala, ito rin ang nagkaloob ng maraming pagkakataon ng trabaho para sa mga Pilipino.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Pilipinas. Nakahanda aniya ang Pilipinas na pasulungin ang direktang exchange ng Philippine Peso at Chinese Renminbi at gamitin ang kani-kanilang salapi sa mga transaksyon sa ilalim ng bilateral na kalakalan. Umaasa si Pangulong Duterte na palalakihin ang bolyum ng pagluluwas ng mga produktong Pilipino sa Tsina para maging balanse ang bilateral na kalakalan.
Sinabi ni Pangulong Duterte na sa proseso ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan, kinakaharap ng Pilipinas ang mga hamon sa imprastruktura, agrikultura, at industriya. Kaya nakahanda aniya siyang talakayin, kasama ng kanyang counterpart na si Xi Jinping, ang hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa balangkas ng Belt and Road Initiative (BRI).
Sinabi niyang ang nabanggit na kooperasyon ay nagbigay-tulong sa Build Build Build (BBB) project ng Pilipinas. Umaasa aniya siyang kasabay ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan, mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino. Kaya, winewelkam aniya ng Pilipinas ang pagpapalawak ng kooperasyon ng Pilipinas at Tsina sa larangang ito.
Hinggil sa paglaban sa terorismo at ipinagbabawal na droga, ipinagkaloob ng Tsina ang mga sandata sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Duterte na winewelkam ng kanyang bansa ang pagsasagawa ng magkasanib na pagsasanay militar sa hinaharap.
Ayon sa kanya, naipadala na ng Pilipinas ang 100 pilotong militar sa Tsina para magsanay.
Bago manungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas, bumisita nang ilang beses sa Tsina si Duterte bilang Mayor ng Davao. Sinabi niyang "productive" ang malaking pag-unlad ng Tsina nitong ilang dekadang nakalipas. Sinabi pa niyang ang Chinese people ay pangunahing dahilan ng malaking progreso ng Tsina, kasi masipag talaga sila sa trabaho.
Kaugnay ng bilateral na relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, sinabi ni Pangulong Duterte na bukod sa people-to-people exchange, umaasa siyang mapapasulong ng dalawang bansa ang mga gawain na gaya ng trade and commerce, defense, kooperasyong pandagat at paglaban sa mga pirata.
Report: Ernest
Larawan: Sissi
Pulido: Mac/Jade
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |