Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong kabanata ng relasyong Sino-Pilipino, bubuksan ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping

(GMT+08:00) 2018-11-19 14:39:42       CRI

"Sa aking napipintong pagdalaw sa patuloy na umuunlad, at kaakit-akit na bansang Pilipinas, na tahanan ng matatapat at palakaibigang mamamayan, puno ng magagandang hangarin ang aking puso." Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa artikulong kanyang isinulat at nailathala sa Philippine Star, Manila Bulletin at Daily Tribune, ngayong araw, Nobyembre 19, 2018, bisperas ng kanyang makasaysayang pagdalaw sa Pilipinas. Ang titulo ng may-pirmang artikulo ni Pangulong Xi ay Open up a New Future Together for China-Philippine Relations.

Si Xi ang unang pinakamataas na lider ng Tsina na dadalaw sa Pilipinas nitong nakalipas na 13 taon.

Ani Xi, ang Tsina at Pilipinas ay magkapit-bansang nakaharap sa isat-isa mula sa magkabilang pampang ng karagatan.

Isinalaysay niyang ang pagpapalitang pangkalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay nagsimula mahigit isanlibong taon na ang nakakaraan.

Mga 600 taon na ang nakalipas, maraming beses ding bumisita sa Look ng Maynila, Visayas, at Sulu ang nabigador na Tsinong si Zheng He sa kanyang 7 taong paglalakbay upang itatag ang pagkakaibigan at kooperasyon sa ibang mga bansa, dagdag ni Xi.

Samantala, dala ang magandang hangarin at mabuting pakikipagkaibigan, naglakbay rin ang Sultan ng Sulu na si Paduka Pahala sa Tsina noong panahon ng Dinastiyang Ming, at ito'y nag-iwan ng mga kuwentong nagpapa-init sa puso't damdamin ng kapuwa mga Tsino at Pilipino, salaysay ni Xi.

Sinabi pa ng pangulong Tsino, na ang mga ninuno ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal ay nagmula sa Jinjiang, lalawigang Fujian ng Tsina; samantalang ang pamosong heneral na Tsinong si Ye Fei, na lumaban para maitatag ang bagong Tsina ay ipinanganak sa lalawigang Quezon ng Pilipinas.

Para sa mga Tsino at Pilipino, ang mga pangalang ito ay dapat alalahanin at ikarangal, saad niya.

Magmula aniya nang manungkulan si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng ng Pilipinas, naibalik sa tamang landas ang relasyon ng Tsina at Pilipinas, at dumating na ang bahaghari sa relasyon ng dalawang bansa.

Ipinagmalaki ng pangulong Tsino, na sa loob lamang ng mahigit 2 taon, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner, pinakamalaking merkado ng pagluluwas at pinanggagalingan ng inaangkat na produkto, at ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turista ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Xi, na matatag ang suporta ng Tsina sa kampanya ng Pilipinas laban sa droga at terorismo, at rekonstruksyon ng Marawi.

Sa harap naman ng kapahamakan, sinabi ni Xi, na ang mga mamamayang Tsino't Pilipino ay magkasamang tumindig at nagbigay ng tulong sa isa't-isa, at ang mga ito ay gumawa ng bagong kabanata sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

"Ako'y bibisita sa Pilipinas upang makipag-usap kay Pangulong Duterte kung paano patataasin ang pangkalahatang kooperasyon ng Tsina't Pilipinas, at gumawa ng plano para sa ibayo pang ikau-unlad ng relasyong Sino-Pilipino," sabi ni Xi.

Idinagdag pa niyang kailangang palalimin ang mutuwal na politikal na pagtitiwalaan para masustena ang pagbuti ng relasyong Sino-Pilipino.

Inaasahan ng Tsina na makatrabaho ang Pilipinas upang matapos ang mga blueprint para sa kinabukasan ng nasabing relasyon, na may mas malawak na perspektibo.

Nais din ni Xi, na palakasin ang estratehikong komunikasyon sa bilateral na pag-unlad at malalaking rehiyonal at internasyonal na isyu.

Bukod dito, kailangan din aniyang maayos na hawakan ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng mapagkaibigang konsultasyon, palakasin ang diyalogo at kooperasyon sa mga isyung pandagat, at siguraduhing maging karagatan ng kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon ang South China Sea, upang ito'y tunay na makapagbigay ng benepisyo sa mga Tsino at Pilipino.

"Kailangan nating palakasin ang praktikal na kooperasyon upang pasulungin ang pundasyon ng relasyong Sino-Pilipino," diin ni Xi.

Aniya, "ang Pilipinas, na may katangi-tanging bentahe ng heograpikal na lokasyon ay isang natural na partner ng Belt and Road Initiative (BRI), at umaasa ang Tsina, na makakatulong ang Pilipinas sa muling pagpapalakas ng legasiya ng sinaunang Silk Road sa karagatan.

Kasama ang Pilipinas, magpupunyagi ani Xi ang Tsina upang isulong ang sinerhiya sa pagitan ng Build, Build, Build at BRI; palalimin ang kooperasyon sa negosyo, trade, imprastruktura, agrikultura, turismo at iba pang larangan na may mutuwal na benepisyo; at tulungan ang Pilipinas sa pagdadala ng mas marami pang proyekto ng ikabubuhay.

"Itutuloy ng Tsina ang pagpapalalim ng kooperasyon sa Pilipinas sa usapin ng depensa, pagkontrol sa droga, paglaban sa terorismo, at pagpapatupad ng batas upang mailatag ang mabuting kapaligiran para sa pag-unlad at pagpapanatili ng kapayapaan at istabilidad ng rehiyon.

Ipinagdiinan din Xi na dapat palakasin ang pagpapalitang tao sa tao. Para rito, binanggit ni Xi ang kasabihang "mas mag-aalab ang apoy kung ang lahat ay magtutulung-tulong upang ito'y gatungan."

Ang lahat aniya pa ay kailangang maghawak-kamay para palalimin ang kooperasyon sa silangang Asya upang makapagdulot ng win-win na resulta.

Narito po ang buong teksto ng artikulo ni Xi: Open up a New Future Together for China-Philippine Relations

Ulat: Rhio
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>