Dumating na ng Pilipinas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa dalaw na pang-estado sa bansa.
Ito ang kauna-unahang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas ni Xi, at ito rin ang unang pagdalaw sa Pilipinas ng isang puno ng estado ng Tsina nitong 13 taong nakalipas.
Sa kanyang dalawang araw na pananatili sa Pilipinas, makikipag-usap si Pangulong Xi kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at matataas na opisyal ng Pilipinas.
Sa kanilang pagtatagpo, magkasamang itatakda ng mga lider na Tsino't Pilipino ang mga bagong estratehiya at plano para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-Pilipino, komprehensibong patataasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at tatalakayin ang hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Nakatakdang ilabas din ng Tsina't Pilipinas ang magkasanib na pahayag.
Salin: Jade
Pulido: Mac
Photo Source: PNA photo by Avito C. Dalan