Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi, Ispiker Arroyo at Presidente Sotto, nagtagpo; Komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina't Pilipinas, isusulong

(GMT+08:00) 2018-11-21 13:26:09       CRI

Maynila--Kinatagpo ngayong umaga ni dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina sina Houser Speaker at dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Senate President Vicente Sotto III ng Pilipinas. Nakahanda ang dalawang panig na ibayo pang pasulungin ang bagong tatag na komprehensibong estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina't Pilipinas.

Ipinahayag ni Pangulong Xi ang paghanga sa matagal na pagsisikap nina Arroyo at Sotto sa pagpapasulong ng pagkakaibigang Sino-Pilipino, bilang matanda at matalik na kaibigan ng mga mamamayang Tsino.

Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, ang relasyong Sino-Pilipino ay nakikitaan ng yugtu-yugtong pag-unlad mula sa pagbabago, pagpapatatag at pag-upgrade. Nagdudulot aniya ito ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Iminungkahi ni Xi na bilang mabuting magkapitbansa at matalik na magkaibian, magkasamang umabante ang dalawang bansa, batay sa bagong tatag na relasyong Sino-Pilipino; palalimin ang mga pragmatikong pagtutulungan; palakasin ang pagpapalitang tao sa tao at pangkultura; at maayos na hakawan ang isyu ng South China Sea.

Sinabi ni Xi na ang pagpapalitan sa pagitan ng mga organong lehislatibo ng dalawang bansa ay mahalagang bahagi ng relasyong Sino-Pilipino. Ipinagdiinan niyang sa kasalukuyan, nasa bagong pasimulang pangkasaysayan ang nasabing relasyon at nagpapakita ito ng malawak na prospek na pangkaunlaran. Umaasa aniya siyang titingkad pa ang papel ng mababa at mataas na kapulungan ng Pilipinas sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Hangad din ng pangulong Tsino na matuto sa isa't isa, magsagawa ng pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang lebel at porma, at magpahigpit ng koordinasyon sa mga panrehiyon at pandaigdig na organisasyong pamparliamento ang mga organong lehislatibo ng dalawang bansa. Inaasahan din niya ang pagkatig ng mababa't mataas na kapulungan ng Pilipinas sa pamahalaang Pilipno sa pagpapasulong ng mga pragmatikong pakikipagtulungan sa Tsina sa larangan ng edukasyon, kultura, turismo at iba pa, para mapasulong ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng magkabilang panig.

Ipinahayag naman nina Arroyo at Sotto ang mainit na pagtanggap kay Pangulong Xi. Ipinalalagay nilang nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Pilipino, at bumubuti ang panlahatang bilateral na pagtutulungan. Itinuturing din nila ang Tsina bilang isa sa mga pinakamahalagang partner ng Pilipinas sa pambansang kaunlaran. Pinasalamatan nina Arroyo at Sotto ang Tsina sa ibinigay na tulong sa pag-unlad ng Pilipinas at nakahanda silang matuto ng karanasan ng Tsina sa pagsasakatuparan ng mabilis na pag-unlad sa lipunan at kabuhayan sa loob ng maikling panahon; palalimin ang pagtutulungan sa kabuhaya't kalakalan, imprastruktura at iba pa; at pahigpitin ang pagpapalitang tao sa tao para magdulot ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Ipinahayag din nila ang pagkatig sa pamahalaang Pilipino sa pagpapasulong sa pakikipagtulungan sa Tsina para magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>