|
||||||||
|
||
Nag-usap Martes, Nobyembre 20, 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas kung saan magkasama nilang pinagplanuhan ang kinabukasan ng relasyon ng dalawang bansa. Buong pagkakaisa nilang sinang-ayunang ang pagtatatag ng komprehensibo't estratehikong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Pilipinas.
Noong taong 2016, makaraang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte, sinimulan niyang igiit ang indipendiyenteng patakarang panlabas. Dahil dito, nanumbalik sa tumpak na landas ang paraan ng paglutas sa isyu ng South China Sea, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Bukod pa riyan, anim na beses na nag-usap sina Xi at Duterte na nakalikha ng bagong pagkakataon ng pag-unlad sa relasyong Sino-Pilipino.
Sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, ibinibigay ng panig Tsino ang napakalaking pagkatig sa pambansang estratehiyang pangkaunlaran at pangkabuhayang isinusulong ni Pangulong Duterte, kung saan, ang nukleo ay estratehiyang "Build, Build, Build." Napag-alamang sa pamamagitan ng pamumuhunan, pagpapautang, at iba pang porma, nakikilahok ang panig Tsino sa kalahati ng lahat ng proyekto ng estratehiyang ito.
Samantala, natamo ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas ang napakalaking pag-unlad nitong dalawang taong nakalipas. Ang Tsina ay nagsisilbi ngayong pinakamalaking tarde partner, pinakamalaking export market, pinakamalaking pinagmumulang bansa ng pag-aangkat, at ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng mga turista ng Pilipinas.
Bukod sa walang humpay na pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa, buong tatag ding kinakatigan ng panig Tsino ang usapin ng pakikibaka laban sa droga at terorismo ng Pilipinas na pinamumunuan ni Pangulong Duterte. Walang humpay ring napapalawak ang pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Pilipino sa larangan ng kultura.
Noong Hulyo ng nagdaang taon, ipinahayag ng panig Pilipino na noong pa mang 1986, gumawa na ang dalawang bansa ng kapasiyahang isa-isang-tabi ang hidwaan at magkasamang galugarin ang South China Sea. Ayon pa sa pahayag, sa pamumuno nina Pangulong Duterte at Pangulong Xi, may sapat na katalinuhan ang dalawang bansa para hanapin ang angkop na porma sa magkasamang paggagalugad ng likas na yaman at paghahatid ng benepisyo sa kanilang mga mamamayan. Nagbigay naman ng positibong reaksyon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina tungkol dito.
Sa kasalukuyan, nagsisimula nang isakatuparan ang magkasamang aksyon ng katalinuhang pulitikal ng mga lider ng Tsina at Pilipinas. Katulad ng sinabi ni Pangulong Xi, may malawakang komong kapakanan ang Tsina at Pilipinas sa South China Sea. Dapat aniyang patuloy na hawakan at kontrolin ng dalawang bansa ang kanilang alitan sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagkokoordinahan, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyong pandagat para makapagbigay ng ambag para sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at benepisyo ng kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang pagdalaw ni Xi ang unang dalaw na pang-estado ng isang pangulong Tsino sa Pilipinas nitong 13 taong nakalipas. Ito aniya ay may katuturang historikal at mahalagang milestone sa relasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa ni Duterte, makakalikha ng bagong yugto ng kooperasyon ng dalawang bansa ang nasabing pagdalaw. Sang-ayon aniya ang panig Pilipino na magkakasamang pangalagaan ng mga bansa sa rehiyong ito ang kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Aniya pa, sa paghawak sa mga suliraning pandaigdig, nasa tumpak na posisyon ang Tsina.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |