Mula Nobyembre 18 hanggang 21, 2018, pumunta sa Zhuhai, probinsyang Guangdong ng Tsina, ang mga mag-aaral mula sa anim na bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaya ng Pilipinas, Brunei, Cambodia, Malaysia, Thailand, Biyetnam, Bangladesh at Pakistan, para sumailalim sa apat na araw na pagsasanay tungkol sa non-convention ship security management.
Ayon sa ulat, ang layon ng naturang pagsasanay ay pahigpitin at tulungan ang mga kinauukulang bansang ASEAN at Timog Asyano na matuto sa mga karanasan ng Tsina tungkol sa pamantayang teknikal at istandard ng pagsuperbisa at pamamahala sa mga non-convention ships.
Salin: Li Feng