|
||||||||
|
||
Sinabi Biyernes, Nobyembre 23, 2018, ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea, na idinaos nang araw ring iyon ng Timog at Hilagang Korea sa joint liaison office sa Kaesong ang pragmatikong talastasan ng mga departamento ng tele-komunikasyon ng dalawang bansa.
Ayon sa ulat, tinalakay ng dalawang panig ang tungkol sa, pangunahin na, direktang linya ng telepono ng dalawang panig.
Sinipi ng South Korean media ang sinabi ng isang opisyal nito na nagsasabing narating ng dalawang panig ang komong palagay hinggil sa kahalagahan ng pagbabago at pag-u-upgrade sa tele-communication line.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |